Ayon sa PLDT, ito ay bilang pagtalima sa utos ng National Telecommunications Commission na gawing 8-digit ang landline numbers mula sa kasalukyang 7-digit.
Ayon sa PLDT, aplikable ito para sa mga lugar na mayroong area code na 02 kasama na ang Metro Manila, Rizal, San Pedro, Laguna; at Bacoor, Cavite.
Kailangan lang dagdagan ng number 8 ang unahan ng kasalukuyang telephone number.
Halimbawa, kung ang telephone number ay 123-4567 ito ay magiging 8123-4567 na sa Iktubre.
Magsisimula ang pagbabago sa October 6 alas 12:01 ng madaling araw.
Kung nasa probinsya ang tatawag ay kailangan pa ring idagdag sa unahan ng telephone number ang 02.