8-digit landline numbers sa Metro Manila at kalapit lalawigan simula na sa Oktubre
Simula sa Oktubre ay magdaragdaga na ang kasalukuyang 7-digit telephone numbers ng mga subscriber ng PLDT sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Ayon sa PLDT, ito ay bilang pagtalima sa utos ng National Telecommunications Commission na gawing 8-digit ang landline numbers mula sa kasalukyang 7-digit.
Ayon sa PLDT, aplikable ito para sa mga lugar na mayroong area code na 02 kasama na ang Metro Manila, Rizal, San Pedro, Laguna; at Bacoor, Cavite.
Kailangan lang dagdagan ng number 8 ang unahan ng kasalukuyang telephone number.
Halimbawa, kung ang telephone number ay 123-4567 ito ay magiging 8123-4567 na sa Iktubre.
Magsisimula ang pagbabago sa October 6 alas 12:01 ng madaling araw.
Kung nasa probinsya ang tatawag ay kailangan pa ring idagdag sa unahan ng telephone number ang 02.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.