Mga kritiko na kumukwestyon sa pagho-host ng Pilipinas sa Sea Games binweltahan ng Malakanyang

By Chona Yu July 24, 2019 - 12:51 PM

Hinamon ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga kritiko na bumabatikos sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa buwan ng Nobyembre na maglatag ng paraan para matulungan ang sports sa bansa.

Sa talumpati ni Medialdea sa Call for Unity for 30th Sea Games na ginanap sa Heroes Hall sa Malakanyang, sinabi nito na pagkakaisa ang kailangan ngayon ng bansa at hindi puro batikos ng iilan.

Base sa column ni Ramon Tulfo sa Manila Times, wala umanong otorisasyon mula kay Pangulong Duterte ang memorandum circular 65 na nag-aatas sa lahat ng government agencies at government-controlled corporations na suportahan ang Philippine South East Asian Games Organizing Committee Foundation na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Caytenao sa paghost ng bansa sa Sea Games.

Hamon ni Medialdea sa mga maiingay, magpakita ng paraan na itinulong para sa sports at sa mamayang Filipino at hindi puro tirade lamang ang ibinigay na suporta sa bayan.

“Hindi kagaya ng iba diyan na puro tirada lang wala namang binibigay na suporta para sa bayan. Hinahamon ko yung mga maiingay, magpakita kayo ng tinulong ninyo para sa sports at sa mamamayang Pilipino,” ayon kay Medialdea.

Iginiit pa ni Medialdea na buo ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagho-host sa Sea Games.

Tiwala rin si Medialdea na kakayanin ng Phisgoc Foundation, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee na magkaroon ng matagumpay na Sea Games sa bansa.

TAGS: Call for Unity for 30th Sea Games, Salvador Medialdea, sea games, Call for Unity for 30th Sea Games, Salvador Medialdea, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.