LOOK: Inarestong dayuhan naghubad at nagkulong sa CR sa QCPD Station 10
Gumawa ng eksena ang isang 59-anyos na Australian National sa loob ng QCPD station 10.
Ang dayuhan na si Pakravan Farhang ay dinala sa QCPD station 10 matapos na ireklamo dahil sa pagwawala sa loob ng isang sikat na fast food chain sa Eton Centris EDSA Quezon City.
Sa kwento ni Marlon Tabilin, crew ng fast food chain, nabahala ang kanilang mga costumer dahil pumasok sa kitchen area ang dayuhan at ikinalat pa ang gravy habang nagmumura.
Maging ang isang babaeng customer ay pinag-aakbayan ng nagwawalang dayuhan.
Nakilala si Farhang dahil sa Australian passport at drivers’ license na dala ng dayuhan.
Matapos madala sa himpilan ng QCPD station 1, dito naman gumawa ng eksena si Pakravan dahil bukod sa paghuhubad na underwear lang ang itinira, nagkulong din ito ng halos isang oras sa loob ng CR ng Kamuning Police Station.
Kinailangan pang sirain ng mga pulis ang pintuan ng comfort room at tumambad sa mga otoridad ang naliligong dayuhan na tila gustong magswimming dahil bukod sa binuksan lahat ng gripo ay ginawa pang bath tub ang flooring ng CR.
Matapos maligo ay binihisan at ipinosas ang Australian National na napag-alamang nawala na sa tamang katinuan ng pag-iisip matapos na iwanan ng girlfriend nitong isang pinay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.