Ilang mambabatas binigyan ng lecture si Panelo matapos sabihing bukas ang Malakanyang sa paggamit ng lubid sa parusang bitay
Pumalag ang minorya sa Kamara sa pahayag ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na bukas ang mga ito sa paggamit ng lubid kapag ibalik ang parusang bitay.
Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader at Iloilo Rep. Janet Garin, umaasa siya na nagbibiro lamang si Panelo sapagkat kahit sa hayop ay hindi ginagamitan ang lubid sa paraan ng pagpatay.
Kailangan anyang hindi bumalik ang bansa sa stone-age sapagkat walang puwang ang lubid sa death penalty sa kasalukuyang panahon.
Sinabi ni Garin na mas mabuting pag-usapan ang nilalaman ng mga panukalang batas.
Pinaalalahanan naman ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr, ang tagapagsalita ng palasyo sa nilalaman ng Saligang Batas na nagbabawal sa marahas at hindi makataong parusa.
Bukod dito, mayroon ding batas na nagpaparusa sa anti-torture at iba pang hindi makataong parusa.
Magugunitang pumasa na sa ikatlo at huling pambasa noong 17th Congress ang panukalang death penalty pero natulog na sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.