Kaso vs VP Robredo, 35 iba pa hinggil sa Ang Totoong Narcolist videos dapat mabasura ayon sa Human Rights Watch
Hinimok ng international human rights watchdog na Human Rights Watch (HRW) ang gobyerno ng Pilipinas na ibasura ang reklamong sedisyon na inihain laban kay Vice President Leni Robredo at 35 iba pa kaugnay sa “Ang Totoong Narcolist” videos.
Ayon sa HRW, dapat i-drop ng Philippine authorities ang kasong inciting to sedition at iba pang kaso na isinampa kina Robredo, ilang religious leaders at human rights advocates.
Tinutukoy ng HRW ang inihaing reklamo ng PNP – CIDG sa Department of Justice.
Ayon kay HRW Asia Director Brad Adams, ang reklamo ay tangkang pangha-harass at layong patahimikin ang mga kritiko ni Pangulong Duterte sa kaniyang drug campaign.
Malinaw umano kasi na ang mga tinarget ng reklamo ay ang mga naghahayag ng kanilang pagtutol sa war on drugs at sa human rights records ng administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.