Pangulong Duterte magpapatawag ng Ledac meeting sa Malakanyang

By Chona Yu July 24, 2019 - 10:12 AM

Nakatakdang i-convene ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Legislative-Executive Development Advisory Council (Ledac) sa Malakanyang.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, petsa na lamang ang pinaplantsa para sa Ledac meeting.

Ani Nograles, kadalasan ay buwan ng Agosto nagco-convene ang Ledac.

Sinabi ni Nograles na bibigyan munang pagkakataon ang kamara at senado na makumpleto ang pagtatalaga ng mga lider at mamumuno sa mga komite.

Una rito hinikayat ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Pangulong Duterte na i-convene ang Ledac para sa mas mabilis na pagpasa ng priority measures ng pangulo.

Kabilang sa mga prayoridad na legislative agenda ng pangulo ang pagbabalik muli sa death penalty pagpapaliban ng SK at Brgy. elections at tax reform package 2, paglikha ng Department of Water, Department of disaster Resilience, Mandatory ROTC, fire modernization program at iba pa.

TAGS: ledac meeting, Malacanan, president duterte, ledac meeting, Malacanan, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.