Public toilet sa Divisoria na pinagkakakitaan ng kapitan ng barangay ipinagiba ni Mayor Isko Moreno
Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang comfort room na inilagay pa mismo sa kalsada sa bahagi ng Sto. Cristo Brgy. 269 sa Divisoria sa Maynila.
Iyan ay matapos matuklasan na isa pala itong public toilet kung saan ang mga gumagamit ay obligadong magbigay ng donasyon.
Bukod sa C.R May katabi din itong altar ng Santo kung saan ang gagamit ng toilet at maaring Magdasal muna o pagkatapos gumamit ng kubeta.
Dahil nasa mismong kalsada ang toilet ay pinagiba ito ni Moreno sa mga tauhan ng Department of Public Safety ng Manila City Hall.
Nabatid na ang toilet ay pinangangasiwan ng Kapitan ng Brgy na si Cresencio Lagamayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.