Lalaki inaresto sa labas ng bahay ni Taylor Swift

By Dona Dominguez-Cargullo July 24, 2019 - 08:27 AM

Isang lalaki ang dinakip matapos makita sa labas ng bahay ni Taylor Swift sa Rhode Island na may mga dalang gamit para makapagnakaw.

Ang suspek na si David Page Liddle, 32 anyos ay inaresto dahil nakuhanan siya ng 30 lock pins, window-entry rake at aluminum baseball bat.

Iginigiit ng suspek na makikipagkita siya kay Taylor Swift at personal niya itong kakilala.

Nagpalabas na ng no-contact order laban sa suspek at binabawalan na siyang lumapit sa anumang pag-aaring properties ni Swift.

Isasailalim din sa mental health evaluation ang suspek.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may naaresto sa bahay ni Swift sa nasabing isla.

Nadakip din ang isang Roger Arevalo matapos na dalawang beses na magtungo sa bahay ng singer.

TAGS: rhode island, Taylor Swift, rhode island, Taylor Swift

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.