6 na miyembro ng pamilya nabiktima ng food poisoning sa Boracay

Anim na miyembro ng isang pamilya ang dinala sa medical clinics sa Boracay matapos dumaing ng pananakit ng tyan.

Nagsuka at nakaranas ng dehydration ang mga biktima pagkatapos kumain sa isang beachfront restaurant sa Station 1 ng Boracay.

Hinihinalang nabiktima ng food poisoning ang anim.

Ayon sa Boracay Fire Rescue and Volunteer (BFRAV) kabilang sa mga biktima ang tatlong menor de edad at dinala sila sa Metropolitan Doctors Medical Clinic at sa Boracay Alert Medical Clinic sa Barangay Balabag.

Hindi naman na nagreklamo sa pulisya ang mga turista dahil nais na nilang makabalik agad ng Maynila.

Read more...