Bahagi ng U.N Avenue isasara sa trapiko ngayong araw, July 24

By Ricky Brozas July 24, 2019 - 07:53 AM

Isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila ngayong araw ng Miyerkules, July 24, 2019.

Ayon sa Manila Police District sa pamamagitan ng Traffic enforcement unit, ito ay para sa gaganaping rehearsal para sa retirement honor para kay Police Colonel Marcelino Pedrozo Jr., Deputy District Director for Administration ng Manila Police District.

Simula alas 8:30 umaga ng Miyerkules ay sarado na ang kahabaan ng U.N Avenue mula San Marcelino Street hanggangTaft Avenue.

Para sa mga sasakyan na dadaan westbound ng U.N Avenue maari silang kumanan sa Romualdez Street o kaliwa sa San Marcelino Street patungo sa kanilang destinasyon.

At para naman sa mga sasakyan na dadaan ng eastbound of U.N. Avenue ay maaring kumanan sa Taft Avenue o kumanan sa Gen. Luna Street patungo sa point of destination.

Ang abiso ng traffic rerouting ay batay sa impormasyon mula kay Police Capt. Ana Laurence Simbajon. Ang OIC PIO ng MPD.

Hindi naman binanggit sa abiso kung hanggang anong oras tatagal ang pagsasara ng kalsada.

TAGS: MPD, road closure, UN Avenue, MPD, road closure, UN Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.