Pangulong Duterte pinulong ang mga alkalde, gobernador sa Manila Hotel

Mayor Francis Zamora photo

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte Martes ng gabi sa Manila Hotel ang mga alkalde at gobernador sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mayor Francis Zamora photo

Ibinahagi sa social media ni San Juan Mayor Francis Zamora ang mga larawan kung saan makikitang kasama niyang dumalo ang ilang Metro Manila mayors kabilang sina Isko Moreno, Joy Belmonte, Vico Sotto, Rex Gatchalian at Marcy Teodoro.

Sa post-SONA press briefing kahapon, una nang kinumpirma ni Interior Sec. Eduardo Año ang dayalogo ng presidente sa mga local chief executives.

Sinabi ni Año na ilan sa mga paksang tatalakayin ay ang trapiko, korapsyon at pagpapadali sa proseso ng pagnenegosyo.

Mayor Francis Zamora photo

Samantala, sa panayam naman ng mga reporters, sinabi ni Zamora na muling nabanggit ng presidente ang pagkakasangkot ng ilang mga alkalde sa iligal na droga ngunit hindi ito nagbigay ng pangalan.

 

Read more...