Segment ng Cavitex–C5 Southlink binuksan na

By Rhommel Balasbas July 24, 2019 - 04:16 AM

DOTr photo

Mapapabilis na ang biyahe ng ilang mga motorista na dumaraan sa Taguig at Pasay matapos buksan ang segment ng C5 Southlink Expressway, Martes ng gabi.

Ang flyover na may habang 2.2 kilometro ay tumatawid sa South Luzon Expressway at nagdurugtong sa mga lungsod ng Pasay at Taguig.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Vllar, mababawasan ng kalahati ang karaniwang isa’t kalahating oras na biyahe mula Villamor Airbase sa Pasay patungong Taguig City.

Sa pagbubukas ng first section ng Cavitex C5 Southlink, inaasahang makikinabang ang nasa 8,000 sasakyan kada araw.

Inaasahang makapagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa SLEX East, West Service Roads at EDSA ang flyover.

 

TAGS: binuksan na, C5 Southlink Expressway, Cavitex C5 Southlink, DPWH Secretary Mark Vllar, edsa, flyover, mabilis na biyahe, Pasay, SLEX East, taguig, West Service Roads, binuksan na, C5 Southlink Expressway, Cavitex C5 Southlink, DPWH Secretary Mark Vllar, edsa, flyover, mabilis na biyahe, Pasay, SLEX East, taguig, West Service Roads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.