Enrique Gil at pamilya nito may sorpresang party para kay Liza Soberano

By Len Montaño July 24, 2019 - 04:08 AM

Matapos ang 2 ang kalahating buwan sa Amerika para sa serye ng mga operasyon sa kanyang daliri, isang surprise party ang sumalubong kay Liza Soberano.

Ang sorpresang welcome party ay ginawa mismo ng boyfriend nitong si Enrique Gil at ang pamilya ng aktor.

Mababasa sa cutout letters na ipinakita ng pamilya ni Enrique at kanilang mga kaibigan ang mensahe na “Welcome home, Hopie.”

Sa mga larawan na ibinahagi ng catering service na Juan Carlo at events stylist na si Gideon Hermosa ay makikita ang kaligayahan ng aktres.

Ang 21 anyos na aktres ay dapat na dalawang linggo lamang mananatili sa US.

Pero na-extend ito ng hanggang 2 buwan para sa mga treatment sa kanyang injured finger.

Nakuha ni Liza ang injury sa aksidente sa set ng “Bagani” noong August 2018, dahilan ng pag-atras nito sa pagganap bilang Darna.

 

TAGS: Bagani, Darna, Enrique Gil, finger, injury, Liza Soberano, surprise party, treatment, welcome, Bagani, Darna, Enrique Gil, finger, injury, Liza Soberano, surprise party, treatment, welcome

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.