Vice mayor ng isang bayan sa Ifugao, ilang araw nang nawawala

By Rhommel Balasbas July 24, 2019 - 03:40 AM

Tabuk City Vice Mayor’s Office FB photo

Napaulat na nawawala simula pa noong Biyernes si Tinoc, Ifugao Vice Mayor Fernando Gapuz.

Ayon sa anak ni Gapuz na si Franklin, umalis ng kanilang bahay sa Barangay Impugong ang kanyang ama bandang alas-7:00 ng umaga para makipagkita kay Councilor Dondon Canute Jr. sa Sitio Gaddinangan.

Huling nakita ang alkalde paalis ng bahay ni Canute at pasakay ng bus patungo sa Buguias, Benget.

Hindi umano makontak ng kanyang mga kapamilya ang bise alkalde sa pamamagitan ng cellphone nito.

Sa post sa Facebook, umapela ang Tinoc Municipal Police Station na makipag-ugnayan sa numerong 09351107168 para sa anumang impormasyon ukol kay Gapuz.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkawala ng bise alkalde.

TAGS: facebook, hindi makontak, Ifugao, nawawala, Tinoc, Tinoc Municipal Police Station, Vice Mayor Fernando Gapuz, facebook, hindi makontak, Ifugao, nawawala, Tinoc, Tinoc Municipal Police Station, Vice Mayor Fernando Gapuz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.