P2M halaga ng nakaw na mga gamot ibinebenta sa sari-sari store sa Iligan City

By Len Montaño July 24, 2019 - 03:25 AM

Credit: Divina M. Suson

Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sari-sari store sa Purok 9, Barangay Palao sa Iligan City at nakumpiska ang iba’t-ibang gamot na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Ayon kay NBI-Iligan head Atty. Abdul Jamal Dimaposo, ang tindahan ay pag-aari ng isang Florencia Hinampas na 4 na taon nang nagbebenta ng mga sample na gamot at prescription drugs.

Nag-ugat ang operasyon sa hiling ng courier company na Air 21 na imbestigahan ang kanilang delivery personnel dahil ilang beses na itong nawalan umano ng shipment ng mga gamot.

Nahaharap sa iba’t-ibang reklamo ang local franchisee ng Air 21 mula sa mga pharmaceutical distributors kaugnay ng nawawalang mga shipment ng mga gamot.

Naalarma ang Air 21 dahil ayaw magbayad ng kanilang mga kliyente ng courier cost para sa nawawalang mga shipment.

Ayon kay Ilian Macala, franchise owner ng Air 21 sa Iligan, nawalan siya ng halos P500,000 mula sa kanyang mga kliyente na tumangging magbayad dahil hindi nadeliver sa kanila ang mga gamot.

Nagreklamo ang kumpanyang Boehringer Ingelhem (Philippines) Inc. dahil sa hindi nadeliver na gamot sa sakit na diabetes.

Na-trace ng NBI ang nawawalang shipments sa tindahan ni Hinampas kung saan ibinenta ng delivery personnel ng Air 21 na si Jalil Bangcola.

Ibinebenta ng tindahan ang nakaw na mga gamot sa murang halaga kumpara sa mga pharmacy.

Ikinatwiran ng tauhan ng Air 21 na nagawa niya ito dahil sa kanyang pamilya habang ang may-ari ng tindahan ay nagsabing hindi niya alam na labag sa batas ang pagbebenta niya ng naturang mga gamot.

 

TAGS: Air 21, Boehringer Ingelhem (Philippines) Inc., courier cost, gamot, Iligan City, nawawala, NBI, P2M halaga, sari-sari store, shipment, Air 21, Boehringer Ingelhem (Philippines) Inc., courier cost, gamot, Iligan City, nawawala, NBI, P2M halaga, sari-sari store, shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.