Mayor Isko sa mga motorista: ‘Wag manuhol ng traffic enforcer’

By Angellic Jordan July 24, 2019 - 02:59 AM

Hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na itigil ang pagbibigay ng suhol sa mga traffic enforcer.

Sa isang press briefing, ipinunto ng alkalde na mayroon ding mali sa panig ng mga motorista dahil sa pagbibigay ng suhol.

Kung gusto aniyang maayos ang sistema sa kalsada, dapat pairalin ang pagiging disiplinado at pagkusa.

Sinabi naman ni Moreno na mali rin ang ilang traffic enforcer dahil tinatanggap ang mga inaabot na pera sa kanila.

Araw ng Lunes, inaresto ang empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na si Ricardo Galit matapos makuhanan ng CCTV footage ng pangongotong.

 

TAGS: CCTV footage, disiplina, kotong MTPB, Mayor Isko Moreno, motorista, Ricardo Galit, suhol, traffic enforcer, CCTV footage, disiplina, kotong MTPB, Mayor Isko Moreno, motorista, Ricardo Galit, suhol, traffic enforcer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.