Duterte bukas sa rekomendasyon na palawigin ang martial law sa Mindanao
Pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na palawigin pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao region dahil sa nagpapatuloy pa ang rebelyon.
Ayon kay Presidential Spokesaman Salvador panelo, si Esperon ang higit na nakaalam sa sitwasyon sa Mindanao region.
“Oh, if that is their recommendation, di ba the President always says the man on the ground, he will listen to them, kasi sila ang nakaka-alam noon,” ani Panelo.
Pakikinggan din aniya ng Pangulo ang rekomendasyon ni Esperon na hindi na isama sa martial law ang Davao City na hometown ng Presidente.
May 2017 nang ideklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao region matapos ang ginawang paglusob ng teroristang Maute group at ISIS sa Marawi City.
Sakaling palawigin pa ng isang taon ng Pangulo ang martial law sa Mindanao, ito na ang ika-apat na pagkakataon na ipatutupad ang batas militar sa naturang rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.