Abugado patay, asawa sugatan sa ambush sa Negros Oriental
Nasawi ang isang 53-anyos na abugado habang sugatan ang kanyang asawa matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sitio Looc, Barangay Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental, Martes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Anthony Trinidad na minamaneho ang kanyang sasakyan pauwi mula sa isang hearing sa La Libertad nang pagbabarilin sila ng mga suspek.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Trinidad na agad niyang ikinasawi habang sugatan din ang kanyang asawa na si Novie Marie.
Nawalan si Trinidad ng kontrol sa kanyang sasakyan dahil sa insidente kaya’t nabundol nito ang isang trisikad na ikinasugat din ng drayber.
Ayon kay Guihulngan Police chief Lieutenant Col. Bonifacio Tecson, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon para malaban ang motibo sa krimen at ang makilala ang mga nasa likod nito.
Sa kanyang panayam sa Inquirer, sinabi ni Tecson na may posibilidad na may kinalaman ang insidente sa mga kasong hinawakan ni Trinidad.
Una na anyang nanghingi si Trinidad ng police escorts dahil sa natatanggap na death threats.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.