Grab binatikos sa meme ng mga babaeng artista na na-link kay Gerald Anderson

By Len Montaño July 24, 2019 - 01:51 AM

Umani ng batikos ang Grab Philippines dahil sa meme na pinost nila sa kanilang social media account na nagpapakita ng mga larawan ng mga babaeng artista na na-link kay Gerald Anderson.

Ang meme ay kasunod ng paglabas ng litrato naman nina Anderson at Julia Barreto na naresulta sa tsismis na may ugnayan ang dalawa sa kabila ng relasyon ng aktor kay Bea Alonzo.

Sa meme ay makikita ang mga larawan nina Julia, Bea, Maja Salvador, Pia Wurtzbach, Kim Chiu at Sarah Geronimo.

Ang larawan ay may caption na: “Walang kailangang maiwan. Walang kailangang masaktan. Sa GrabCar 6-seater, pwedeng magsabay-sabay.”

Pinalagan ito ng mga fans ng mga aktres at mga netizens dahil hindi anila nakakatuwa ang meme.

Binatikos ang Grab Philippines sa promotion ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagsakay sa isyu at paggamit sa mga aktres.

Tinanggal na ng Grab Philippines ang naturang post at humingi sila ng paumanhin.

Hindi umano intensyon ng kumpanya na bastusin ang mga kababaihan at ang mga relasyon.

“We apologize for running the light! We were in no way encouraging nor condoning disrespect for women and disrespect within relationships. We admire the love and loyalty that fans have for all these wonderful women. Thank you for reminding us what not to be,” pahayag ng Grab Philippines.

 

TAGS: 6-seater, Gerald Anderson, Grab Philippines, Meme, post, social media, 6-seater, Gerald Anderson, Grab Philippines, Meme, post, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.