Pagpasa sa takdang oras ng 2020 budget tiniyak

By Erwin Aguilon July 24, 2019 - 12:55 AM

Siniguro ni House Appropriations Committee chairman Isidro Ungab na hindi mauulit ang pagkaantala sa pagpasa ng pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Ungab, sa ilalim ng kanyang chairmanship noon ay naipasa on time ang General Appropriations Act ng tatlong magkakasunod na taon.

Ipinagmalaki nito na galing siya sa banking sector at dahil sa kanyang background sa finance ay madali niyang nalalaman kung ano ang insertion at ang pumasa sa usual procedures.

Matatandaang na-delay nang husto ang pag-apruba sa 2019 national budget dahil sa pagtatalo ng mga mambabatas sa umano’y insertions.

Iginiit ni Ungab na gusto ni Speaker Alan Peter Cayetano na bilisan ang budget deliberations ngayong taon.

Inaasahang isusumite ng ehekutibo ang 2020 proposed national budget sa susunod na dalawang linggo.

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, budget deliberation, delay, General Appropriations Act, insertion, national budget, Rep. Isidro Ungab, Alan Peter Cayetano, budget deliberation, delay, General Appropriations Act, insertion, national budget, Rep. Isidro Ungab

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.