Pacquiao bukas sa ‘firing squad’ na paraan ng death penalty

By Jan Escosio July 23, 2019 - 11:45 PM

Screengrab ng video ni Jan Escosio

Inamin ni Senator Manny Pacquiao na bukas siya sa ‘firing squad’ sa paraan ng pagtupad ng parusang kamatayan.

Ayon sa senador napanood niya ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte at nagustuhan niya na binanggit ng Pangulo na ibalik ang death penalty.

Sinabi ni Pacquiao na bukod sa mga bigtime drug traffickers, okay na rin sa kanya na mabitay ang mga mahahatulan sa kasong plunder o pandarambong.

Aniya wala naman dapat ikatakot ang mga nasa gobyerno kung hindi naman sila nagpapayaman gamit ang kanilang posisyon.

Pagdidiin pa ng senador, hindi naman taliwas sa kanyang paniniwala bilang Christian ang pagpapataw ng parusang kamatayan dahil ito naman ay nakasaad sa Bibliya.

Inihayag din nito ang kanyang kahandaan na makipag-debate sa mga kapwa senador na kontra sa death penalty.

 

TAGS: bigtime drug traffickers, Death Penalty, debate, firing squad, pandarambong, parusang kamatayan, plunder, Senator Manny Pacquiao, SONA, bigtime drug traffickers, Death Penalty, debate, firing squad, pandarambong, parusang kamatayan, plunder, Senator Manny Pacquiao, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.