Verbal fishing deal nina Duterte at XI illegal ayon kina Del Rosario at Morales

By Clarize Austria July 23, 2019 - 11:09 PM

Iginiit nina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Ombudsman Conchita Carpio-Morales na illegal ang verbal agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping tungkol sa pangingisda sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pagtalakay ni Pangulong Duterte sa kanyang 4th State of the Nation Address (SONA) sa naturang isyu.

Ayon kina Carpio at Morales, illegal ang kasunduan dahil nakasaad sa Konstitusyon na ang Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas ay para sa mga mangingisdang Pilipino lamang.

Hangga’t hindi umano nababago ang Konstitusyon ay walang opisyal ang may awtoridad para payagan ang mga dayuhan na mangisda sa EEZ.

Wala rin anilang traditional fishing rights ang China o mga mamamayan nito sa EEZ ng bansa.

Sinabi ng Pangulo sa SONA na kahit may United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS) ay maaaring makipag-kasunduan ang Pilipinas sa ibang bansa kung paano gagamitin ang EEZ.

Pero giit ng mga dating opisyal, hindi obligado ang Pilipinas na gawin ito.

Matatandaan na naghain ng reklamo ang dalawa sa International Criminal Court (ICC) laban kay President Xi dahil sa pag-angkin ng China sa mga teritoryo West Philippine Sea.

 

TAGS: Albert Del Rosario, Chinese President Xi Jinping, Conchita Carpio-Morales, EEZ, ICC, illegal, verbal fishing deal, West Philippine Sea, Albert Del Rosario, Chinese President Xi Jinping, Conchita Carpio-Morales, EEZ, ICC, illegal, verbal fishing deal, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.