Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang malaking bahagi ng Surigao del Sur, Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 5 kilometers Southeast ng Carrascal bandang 5:38 ng hapon.
May lalim ang lindol na 8 kilometero at tectonic ang origin nito.
Dahil dito, naramdaman ang Intensity 4 sa Carrascal at Cantilan sa Surigao del Sur.
Sinabi ng Phivolcs na ito ay aftershocks ng 5.5 magnitude na lindol sa Surigao del Sur noong July 13, 2019.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershock matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.