Martial law sa Mindanao balak palawigin ng gobyerno

Inquirer file photo

Muling itutulak ang karagdagang isang taong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa isinagawang post-SONA press briefing ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na irerekomenda niya ang pagpapalawig ng martial law sa rehiyon.

Layon aniya nitong makontrol ang terorismo sa rehiyon.

Kailangan pa aniyang pagbutihin ang deployment technical equipment sa lugar.

Nagsimulang isailalim sa batas militar ang Mindanao nang sumiklab ang giyera sa Marawi City noong 2017.

Kamakailan lamang ay walo ang patay at labingdalawang iba pa ang sugatan sa magkasunod na suicide bombing na naganap sa isang military camp sa Indanan, Sulu.

Read more...