Cha-Cha wala nang sigla ayon sa oposisyon sa Senado
Naniniwala si Senate Minority Leader Frank Drilon na nawala na ang sigla para isayaw pa ang Cha-Cha o Charter Change sa Kongreso.
Ipinaliwanag ng mambabatas na malinaw na hindi ito prayoridad ng administrasyon dahil hindi man lang ito nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon.
Nasabi na rin ni Pangulong Duterte na hindi sa panahon niya mangyayari ang pagbabago sa Saligang Batas.
Idinagdag pa ni Drilon na mababalewala lang ang gagawin ng mga nagbabalak na buhayin pa ngayon 18th Congress ang Cha-Cha.
Samantala, sinabi ni Drilon na sinusuportahan naman nila sa minoriya ang mga programa na napapakinabangan ng bansa, maliban na lang sa nais ng punong ehekutibo na mabuhay ang parusang bitay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.