Paglilinis sa mga road obstruction sisimulan na ng DILG

Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte na susundin ang kaniyang kautusan na bawiin ang lahat ng pampublikong kalsada na ginagamit sa pansariling interes.

Sa post-SONA press briefing, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ipatutupad ng kagawaran ang katulad na clean-up campaign ni Manila Mayor Isko Moreno.

Aniya, makikita na aniya sa Metro Manila pa lamang ang ilang kalsada na ginagawang tiangge, tindahan ng mga vendor at parking area.

Magsasagawa rin aniya ng inventory ang kagawaran sa lahat ng kalsada sa Metro Manila na ginagamit bilang pribadong kalsada.

Dagdag pa ni Año, makikipagkasundo sila sa mga subdivision kung maaring gawing alternatibong daanan ng mga motorista tuwing rush hour para makabawas sa sikip ng trapiko.

Read more...