Liberal Party mananatiling fiscalizer sa Kamara

By Erwin Aguilon July 23, 2019 - 04:58 PM

File photo

Nanindigan si Caloocan Rep. Edgar Erice na mananatili silang magbabantay sa mga ipapasang panukala ng 18th Congress kahit na tumalon na ang ilan sa mga taga- Liberal Party sa mayorya.

Ayon kay Erice, bago pa man sila sumama sa mayorya ay nakausap na nila si Speaker Alan Peter Cayetano at dito ay inilahad nila na may ilang panukalang batas silang hindi susuportahan.

Kabilang na dito ang death penalty, lowering age of criminal liability at ang panukalang charter change.

Sa halip naman na Federalism o chacha, inirekomenda ni Erice kay Cayetano na amyendahan na lamang ang Article 10 ng Saligang Batas na paglikha ng Metropolitan Government sa mga highly urbanized areas tulad ng Metro Manila, Davao City, Cebu at Clark.

Aabot naman sa 10 ang mga miyembro ng Liberal Party na lumipat sa mayorya dahil sa mga nais na isulong na adbokasiya, pagkakaiba ng prinsipyo at mga concerns sa kanilang mga distrito.

Sa kabila nito, inirerespeto ito ng Liberal Party at malaya naman silang makapamili kung saang grupo nila gusto sumama.

TAGS: Cayetano, erice, liberal party, Cayetano, erice, liberal party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.