Panelo: Di mauubos ang mga isda sa West Philippine Sea

By Chona Yu July 23, 2019 - 04:23 PM

File photo

Sinupalpal ng Malacanang ang pangamba ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na maubos ang isda sa West Philippine Sea kung patuloy na papayagan ang China na makapangsida gamit ang malalaking fishing fleet.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, masyadong malawak ang nasasakupan ng West Philippine Sea para maubos ang isda.

Bukod ditto ay ikinatwiran pa ng kalihim na nanganganak din naman ang isda.

Ayon kay Panelo, hindi niya mabatid kung ano ang pinaghuhugutan ni Carpio na mauubos ang isda sa West Philippine Sea.

Hindi rin naman aniya agrabyado ang Pilipinas kung papayagan ang China na makapangisda sa West Philippine Sea dahil sa pagkakaibigan.

Sa kanyang State of the Nation Address kahapon ay sinabi ng pangulo na darating rin ang panahon na pagbabawalan ang mga Chinese na mangisda sa West Philippine Sea.

TAGS: China, panelo, SONA, West Philippine Sea, China, panelo, SONA, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.