Naaresto na ng pulisya ang isa sa mga suspek na nasa likod ng pamamaslang sa apat na police intelligence officers sa Ayungan, Negros Oriental.
Nakilala ni Negros Oriental police director Col. Raul Tacaca ang suspek na si Victoriano Bangala.
Nananatili namang at large ang lima pang suspek na sina Jonathan Baldivino, Rengie Anadon Baluhabo, Gelie Anadon Ebedo, Joseph Torres Ogates at Jelly Anadon Ebedo.
Ang mga suspek ay pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA).
Nauna nang sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na pinahirapan muna ang mga pulis bago pinatay.
Bukod sa mga pasa sa katawan ay kinakitaan rin ng mga tali sa kamay ang ilan sa mga biktima./
MOST READ
LATEST STORIES