Manila Cong. Abante bagong house minority leader

By Erwin Aguilion July 23, 2019 - 03:40 PM

File photo

Nakapili na ng minority leader ang minorya ng mga kongresista.

Sa pulong ng minority bloc kanilang inihalal si Manila 6th District Rep. Benny Abante bilang minority leader.

Sa naging botohan ng house speaker kahapon tinalo ni Speaker Alan Cayetano si Abante na nakakuha ng 28 na boto.

Sa ilalim ng rules ng Kamara ang mga bumoto sa natalong House Speaker ay magiging miyembro ng minority group habang ang mga bumoto sa nanalong speaker ay sasama sa majority.

Nakasaad din na nasa kapangyarihan ng mga miyembro ng minority na pumili ng magiging minority leader.

Mayroong 28 miyembro ang minority bloc kabilang ang Makabayan, pitong taga Liberal Party at ilang mga taga- partylist

TAGS: abante, Cayetano, manila, minority leader, abante, Cayetano, manila, minority leader

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.