MMDA nagpapasaklolo sa Telcos para sa shake drill alert

Hiningi ng MMDA ang tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at ng mga telecommunications companies para sa pag anunsiyo sa ikalimang Metro Manila Shake Drill sa madaling araw ng Sabado, Hulyo 27.

Sinulatan na ni MMDA Chairman Danilo Lim ang DICT at NTC para makipagtulungan sa kanila para sa pagsasagawa ng text blasts para ialerto ang publiko.

Sinabi ni Michael Salalima, ang nangangasiwa sa Disaster Risk Reduction and Management Office ng MMDA, nais ni Lim na magkaroon ng emergency cell broadcast bago ang quake drill.

Naniniwala din si Salalima na bagamat alas-4 ng madaling araw ang quake drill marami pa rin ang makikiisa mula sa mga LGUs, ibat ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.

Read more...