Mga taga minorya magpupulong kaugnay sa minority leadership
Nakatakdang magpulong ang mga miyembro ng minorya sa Kamara upang pag-usapan kung sino ang kanilang magiging lider.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., magsasagawa sila ng botohan para mailuklok ang tatayong minority leader.
Paliwanag ni Garbin, susundin nila ang Fariñas Doctrine kung saan ang mga taga-minorya ang mamimili ng kanilang pinuno.
Sa eleksyon ng House Speaker kahapon ang natalong kandidato ay si Manila 6th District Rep. Benny Abante na nakakuha ng 28 na boto laban kay Speaker Alan Cayetano.
Nauna rito, bumuo ng koalisyon ang minority group na kinabibilangan ng Makabayan bloc, pitong taga Liberal Party at ilang mga taga partylist group upang at nais nilang gawing lider si Abante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.