LOOK: Kapuso stars kabilang si Alden Richards nag-courtesy call kay Mayor Isko Moreno

Hindi lang mga miyembro ng diplomatic corps ang pumipila para mag-courtesy call kay Manila Mayor Isko Moreno.

Maging ang mga artista, nagtutungo sa City Hall para bisitahin ang alkalde.

Sa mga larawang ibinahagi ng Manila Public Information Office, nag-courtesy call sa alkalde ang ilang Kapuso stars.

Kabilang dito si Alden Richards, kasama sina Mikee Quintos, Amazing Betong at si Jo Berry.

Sa ibinahaging larawan, makikita si Mayor Moreno na kausap ang mga Kapuso star habang ipinakikita niya ang nilinis na Bonifacio Monument na tanaw lang sa bintana ng kaniyang opisina.

Read more...