Ilang bahay tinupok ng apoy sa Boracay

By Jan Escosio December 24, 2015 - 07:31 PM

boracayraze
Inquirer file photo

Walang kuryente ngayon sa ilang bahagi ng pamosong Boracay Island sa Aklan bunsod ng naganap na sunog.

Sa inisyal na impormasyon, 10:30am kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa Station 3 na nasasakupan ng Sition Ambulong sa Barangay Manoc Manoc.

Agad naman rumesponde ng mga bumbero at tumulong na rin ang daan-daang mga residente sa pag-apula ng apoy ngunit kumalat pa rin ang sunog.

Sandali ding lumikha ng tensyon sa hanay din ng mga libu-libong lokal at banyagang turista na magpapalipas ng pasko sa nangungunang resort island sa buong mundo.

Inaalam pa ang ugat ng sunog maging ang halaga ng danyos sa mga ari-arian.

Noong nakaraang buwan ng Hulyo ay isang malaking sunog din ang nangyari sa isla.

TAGS: 2015, Boaracay, Malay, 2015, Boaracay, Malay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.