Dengue outbreak idineklara sa Iloilo City
Nagdeklara na ng dengue outbreak ang Iloilo City.
Ito ay dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng sakit sa lungsod.
Sa datos ng City Health Department, nakapagtala sila ng 416.7 percent increase sa kaso ng dengue kumpara noong nakaraang taon.
Noong Sabado nagsagawa ng massive clean-up drive sa lungsod at hinikayat ang mga residente na tiyaking malinis ang kanilang paligid.
Kabilang sa mga lugar na isinailalim na sa state of calamity dahil sa dengue ay ang Zamboanga Sibugay, South Cotabato, Leyte at Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.