Bata patay, mahigit 100 pamilya apektado ng sunog sa General Santos City
Patay ang isang anim na taong gulang na bata sa sunog na naganap sa Barangay Dadiangas South sa General Santos City, Martes (July 23) ng madaling araw.
Ayon kay Bong Dacera, action officer ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakulong sa nasusunog nilang bahay ang batang babae.
Naiwan umano sa bahay ang bata dahil ang nagtatrabaho sa palengke ang kaniyang magulang.
Aabot naman sa 123 na pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dahil sa overloading ng kuryente.
Marami umano kasing ilegal na kuneksyon ng kuryente sa lugar.
Humigit kumulang P600,000 ang inisyal na halaga ng natupok na ari-arian sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.