Ipasususpinde ni Manila Mayor Isko Moreno sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng mga pampsaherong jeep para sa buong Baclaran-Divisoria line.
Ang pahayag ay ginawa ng alkalde dahil sa patuloy na reklamo natatanggap ng City hall laban sa mga driver ng jeep na ‘nagcu-cutting trip’.
Ayon kay Moreno, nagbabayad naman ng tamang pamasahe ang mga pasahero kaya dapat kumpleto at hindi pinuputol ang biyahe ng sinasakyan nilang jeep.
Dati ayon kay Moreno ay ikinakatwiran ng mga tsuper ang baradong mga kalye sa Divisoria.
Pero iba na aniya ngayon dahil bukas na at maluwag na ang Juan Luna, Binondo, Soler, at Recto.
Maliban sa Baclaran – Divisoria line, sinabi ni Moreno na nakatatanggap din sila ng trip cutting na reklamo laban sa mga jeep na biyaheng Morayta, FEU, at PSBA.