17 anyos na babae sugatan sa insidente ng pamamaril sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2019 - 10:00 AM

Sugatan ang isang 17 anyos na dalagita sa insidente ng pamamaril sa Taguig City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, naglalakad ang biktima sa Purok 6, Barangay Tipas para bumili ng ice cream dakong alas 5:00 ng umaga ng Martes (July 23).

Nakita ng biktima ang isang lalaking suspek na nakikipagtalo sa isang babae.

Binaril ng lalaki ang kasagutan niyang babae pero ang 17 anyos na dalagita ang tinamaan ng bala sa kanang balikat.

Agad namang tumakas ang lalaki at ang kasama niyang babae.

Dinala naman sa pagamutan ang sugatang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Excerpt: Tinamaan ng bala ng baril ang biktima habang naglalakad lamang sa Barangay Tipas.

TAGS: Shooting Incident, taguig, Shooting Incident, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.