WATCH: Organizers ng mga pagkilos sa SONA ni Pangulong Duterte binati ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2019 - 09:46 AM

Binati ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga nag-organisa ng pagkilos sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang mapanatili ang kaayusan at walang maitalang anumang untoward incidents sa mga aktibidad kahapon.

Ani Albayalde hindi lang ang pagkilos sa Commonwealth Avenue at IBP Road ang naging payapa kundi ang iba pang pagtitipon sa ibang bahagi ng Metro Manila at iba lugar sa bansa.

Ayon kay Albayalde, ang maayos na pakikipag-ugnayan ng mga organizer ng bawat grupo sa mga otoridad ang naging susi para maging payapa ang sitwasyon.

Tinupad aniya ng grupo ang kanilang mga pangako at ang mga napagkasunduan sa mga idinaos na pulong ilang araw bago ang SONA.

TAGS: PNP, Radyo Inquirer, Rally, SONA, PNP, Radyo Inquirer, Rally, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.