Aplikasyon ng provisional authority para sa TNVS gagawin ng online

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2019 - 07:56 AM

Simula bukas, araw ng Miyerkules (July 24) gagawin nang online ang lahat ng transaksyon sa pag-aapply ng provisional authority (PA) para sa Transoprt Network Vehicle Services (TNVS).

Sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, maaring mag-apply ang mga driver ng TNVS online at hindi na kailangang pumila sa LTFRB office sa East Avenue sa Quezon City.

Ang link kung saan pwedeng mag-apply ay sa lftrb.pg.net/pa

Araw-araw ay humahaba ang pila ng mga driver ng TNVS sa harapan ng LTFRB para mag-apply ng provisional authority upang sila ay makabiyahe.

May mga pagkakataon pang kahit pumila ng napakaaga ay hindi nakapag-aaply ang driver dahil inaabutan sila ng cut off.

1,000 aplikante lamang ang tinatanggap ng LTFRB kada-araw.

TAGS: ltfrb, online application, TNVS, ltfrb, online application, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.