Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon uulanin dahil sa Habagat

Apektado ng Habagat ang kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, uulanin ang Metro Manila, CALABARZON, Zambales at Bataan.

Magiging maulap ang papawirin sa nasabing mga lugar na mayroong isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Sinabi ng PAGASA na maaaring magdulot ng flash floods o landslides ang mararanasang malakas na pag-ulan.

Samantala, isolated na pag-ulan naman dahil sa localized thunderstorms ang mararansan sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Read more...