Senator Manny Pacquio nakabalik na ng bansa matapos ang tagumpay kay Keith Thurman

By Dona Dominguez-Cargullo July 23, 2019 - 06:24 AM

Nakabalik na ng bansa si Senator Manny Pacquiao makaraan ang panalo laban sa American Boxer na si Keith Thurman.

Sa kaniyang pagdating sakay ng isang private plane, nagpasalamat ang senador sa suporta ng mga Filipino at sa pagdarasal.

Sinabi ni Pacquiao na ang kaniyang panalo ay para sa karangalan ng lahat.

Ayon sa boxing champ, hindi siya nakahabol sa pagbubukas ng sesyon ng senado at sa SONA ni Pangulong Duterte.

Hindi kasi siya pinayagan ng duktor na agad bumiyahe pagktapos ng 12 rounds na laban.

Ayon kay Pacquiao agad siyang magre-report sa senado ngayong Martes (July 23) at sisimulan ang kaniyang trabaho.

TAGS: Boxing, Keith Thurman, manny pacquiao, Boxing, Keith Thurman, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.