Emergency powers bunsod ng Easter bombings sa Sri Lanka, pinalawig

By Rhommel Balasbas July 23, 2019 - 04:38 AM

AP photo

Pinalawig ng gobyerno ng Sri Lanka sa ikaapat na buwan ang batas na nagbibigay sa security forces ng emergency powers matapos ang mga pag-atake sa hotel at simbahan noong Easter Sunday na kumitil sa buhay ng 250 katao.

Sa ilalim ng batas, ang mga awtoridad ay maaaring magsagawa ng interogasyon sa mga suspek kahit walang utos ng korte.

Umabot na sa higit 100 ang naaresto sa inilunsad na crackdown laban sa mga suspek.

Matatandaang inako ng Islamic State ang responsibilidad sa mga pag-atake.

Ayon kay President Maithripala Sirisena, ang pagpapalawig sa emergency rule ay para na rin sa kaligtasan ng publiko at pagpapanatili sa public order.

Sinabi pa ng Sri Lankan authorities na maraming pag-atake ang napigilan at nabuwag din ang operasyon ng mga grupong sinasabing may kaugnayan sa mga pag-atake.

Nauna nang sinabi ni Sirisena sa harapan ng foreign diplomats na babawiin na ang emergency powers sakaling bumalik na sa 99 percent normal ang security situation.

 

TAGS: emergeny power, hotel, pag-atake, Security Forces, Sri Lanka, emergeny power, hotel, pag-atake, Security Forces, Sri Lanka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.