P3.4M shabu nasabat sa Caloocan

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4-A at PDEA – BARMM ang nasa kalahating kilo ng shabu mula sa isang notoryus na drug suspek sa Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City, Lunes ng hapon.

Ayon kay PDEA 4-A Regional Director Adrian Alvariño, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba sa harapan ng isang restaurant laban sa suspek na si RV Barambangan Unotan.

Sinabi ni Alvariño na source ng droga sa Metro Manila, mga karatig-lalawigan at sa Mindanao ang suspek.

Miyembro umano ng isang malaking drug grup si Unotan.

Nakuha mula sa kanya ang 500 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,400,000 at ang buy-bust money.

Mahaharap ang suspek ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...