Duterte aminadong maaaring hindi maipasa ang federalismo sa kanyang administrasyon

By Rhommel Balasbas July 23, 2019 - 03:51 AM

Photo grab from PCOO’s Facebook live

Hindi nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ang panukalang baguhin ang Konstitusyon partikular ang pagpapalit sa sistema ng gobyerno tungong federalismo.

Sa press conference matapos ang SONA, sinabi ng presidente na hindi ang SONA ang tamang panahon para talakayin ang charter change.

“It is not the proper time to be discussing it ngayon, now. It’s better left in conferences that are not allowed to be open to the public,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, mas pipiliin niya munang matalakay ang federalismo ng kaukulang mga grupo sa closed-door conferences bago ito maipresenta sa publiko.

Dapat din anyang ‘complete package’ na ang federalismo kapag iprinesenta sa bayan.

“Kasi ‘pag isang provision to one another, magulo eh. Sa isang provision lang if it’s — there are a lot of complaints. A lot of pros and cons. Mahilo ka. So better, you just talk it among yourselves and present it to the public ano na, ‘yung package na — completed,” dagdag ng presidente.

Iginiit naman ng presidente na suportado pa rin niya ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan tungong federalismo ngunit posibleng hindi na ito mangyari pa sa kanyang administrasyon.

Kapag anya mahusay nang nabuo ang panukala, kailangang may isang matatag na presidente na magbubuklod sa bansa.

“Until such time that we have perfected it, there has to be a strong president with the same powers now. Pero ako, I’m out of it because I think that it will pass beyond my time,” ayon sa pangulo

Noong Hunyo, hinikayat ng presidente ang mga mambabatas na amyendahan na lang ang Konstitusyon kung hindi na interesado ang mga ito sa federalismo.

Ang pagnanais ng presidente na mapalitan ang sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng federalismo ay para maikalat ang pag-unlad sa iba pang bahagi ng bansa at hindi lamang sa Metro Manila.

 

TAGS: charter change, Federalismo, Rodrigo Duterte, SONA, charter change, Federalismo, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.