Walang kaso ng laglag-bala ngayong Pasko

naia
Inquirer file photo

Sa kasagsagan ng Christmas rush, walang naitalang ‘tanim o laglag-bala’ sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport terminals.

Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, dagsa pa rin ang mga pasahero sa lahat ng terminals ng NAIA ngayong bisperas ng Pasko.

At mula noong Lunes, walang kaso ng tanim o laglag bala na nairekord sa NAIA.

Naitala naman noong December 20 ay pinakamaraming buhos ng mga biyahero sa NAIA.

Batay sa record ng MIAA, ang kabuuang arrivals at departures ng mga domestic at international passengers noong December 20 ay nasa 120,878.

Pero ayon kay MIAA spokesperson Dave de Castro, pababa ang bilang ng mga pasahero sa NAIA terminals 1 at 4, habang marami pa rin sa NAIA terminal 3.

Read more...