WATCH: Phillip Salvador sa mga kritiko ni Duterte: “Mamatay kayong lahat!”

By Rhommel Balasbas July 23, 2019 - 03:08 AM

Screengrab of Inquirer.net video

May mensahe ang aktor na si Phillip Salvador sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng media sa Batasang Pambansa bago ang ikaapat na State of the Nation Address ng Presidente, kwinestyon ni Salvador ang patuloy na pagbatikos ng mga kritiko sa kabila ng umano’y paggawa ni Duterte ng lahat ng paraan para mapabuti ang bansa at ang bawat Filipino.

Ayon sa aktor, dapat nang mamatay ang lahat ng mga kritiko.

“Ginagawa naman ng Pangulo natin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa, para sa ikabubuti ng bawat Pilipino pero binabatikos pa rin siya. Sa inyo pong lahat na bumabatikos: mamatay kayong lahat. Salamat po,” ani Salvador.

Dumating si Salvador sa Batasang Pambansa kasama ang kapwa mga aktor na sina Bayani Agbayani at Robin Padilla.

Mensahe naman ni Padilla sa publiko, magkaisa sa huling tatlong taon ng administrasyong Duterte.

TAGS: kritiko, mamatay kayong lahat, mensahe, Pangulong Rodrigo Duterte, Phillip Salvador, SONA, kritiko, mamatay kayong lahat, mensahe, Pangulong Rodrigo Duterte, Phillip Salvador, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.