Utos ni Duterte sa mga ahensya: ‘Gawing simple ang transaksyon o patayin ko kayo’
Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng gobyerno na simplehan ang mga transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno o papatayin niya ang mga ito.
Utos ito ng Pangulo sa Land Transportation Office (LTO), Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Registration Authority (LRA), at Pag-IBIG Fund.
Sa kanyang 4th State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na dapat maging simple ang proseso sa pagkuha ng mga dokumento gaya ng clearance at permit at gamit ang teknolohiya.
“Simplify, may I…nandito ba kayo? Simplify, just like the others. You can do it electronically. You do not have to go to the office. Pag hindi pa ninyo nagawa ‘yan ngayon papatayin ko talaga kayo,” ani Duterte.
Matatandaan na ginawa ng batas ng Pangulo ang “ease of doing business” sa bansa sa layong mapuksa ang red tape sa gobyerno at mapabilis ang trasaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.