Sereno sa depensa ni Duterte sa China deal: ‘Nakakakilabot’
Hindi katanggap-tanggap kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang pagtatanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “verbal agreement” nito kay Chinese President Xi Jinping kaugnay ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Ayon kay Sereno, nakakakilabot ang kasunduan ni Duterte kay XI.
“Nakakakilabot ang ginagawa nila. Para bang handa silang ibenta tayo nang hindi natin alam,” sagot ni Sereno sa tanong ng media matapos ang kanyang talumpati kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.
Umaasa si Sereno na makita ng Pangulo ang mababang morale ng mga Pilipino dahil tila inabanduna anya ang taumbayan para pagbigyan ang China sa West Philippine Sea.
“I hope he will see that the morale of the Filipinos has become so low. It’s shocking to know that it seems we were abandoned only to provide the needs of China in the West Philippine Sea,” dagdag ng dating Punong Mahistrado.
Sa kanyang SONA ay iginiit ng Pangulo na pag-aari ng bansa ang West Philippine Sea.
Pero sinabi rin ni Duterte na kailangang baguhin ito sa gitna ng mga realidad na kinakaharap ngayon ng bansa.
Binanggit pa ng Pangulo ang babala ni Xi na gulo kapag ipinilit ng Pilipinas ang pag-angkin sa naturang pinag-aagawang teritoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.